Zsaris - Solusyon Lyrics | a1lyrics

Kusang nilapit ang sarili
Sa dulo ng liwanag
Magpapaalam ng
Walang paliwanag

Isip ‘di napapagod maghintay
Ng solusyon
Sa mga ilusyon

Kaya dinadaan sa kanta
Ang tiwala na inyong papakinggan
Mga kwentong ‘di perpekto
Tulad ng sa’yo

Hirap aminin sa sarili
Hindi ako matapang
Lubos-lubos naman
Ngunit palaging may kulang

Ilan pa ba ang sisindihan
Para madama
Na kaya ko pa
(Ko ba, kita, sila)

Kaya dinadaan sa kanta
Ang tiwala na inyong papakinggan
Mga kwentong ‘di perpekto
Tulad ng sa’yo

Kaya dinadaan sa kanta
Ang tiwala na inyong papakinggan
Mga kwentong ‘di perpekto
Tulad ng sa’yo

Siguro ganun lang talaga
Pag marami kang oras
At wala ka namang ginagawa

Siguro ganun lang talaga
Pag marami kang oras
At wala ka namang ginagawa

(Ganun nga ba talaga?)
Siguro ganun lang talaga
Pag marami kang oras
At wala ka namang ginagawa

(Ganun nga ba talaga?)

Siguro ganun lang talaga
Pag marami kang oras
Pero wala ka namang

Kaya dinadaan sa kanta
Ang tiwala na inyong papakinggan
Ang iyak ko na may tono
Tungkol sa buhay

At kanta
Kung pagbibigyan na ‘yong mapakinggan
Ang sasabihin
At ‘di isipin
Na itong lahat ay sa ’kin lamang

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments