Matty Juniosa - Sayaw Ng Mga Tala Lyrics | a1lyrics

Lilipad, lilitaw
Sumasabay ang ‘yong damdamin
Sa galaw ng araw
Suntok sa buwan ang nakaw na tingin
Naghihintay kung ibabalik mo sa akin

Ilang taon na ba kita sinusundan naipon na ang isang daang liham at isang libong kanta
Naririnig mo ba ang puso ko
Nakikita mo ba saking mata
Na may gusto ako sa’yo

Ikaw ang talang gustong abutin
‘Di dahil ang tangkad mo rin
Kung di dahil nakita ang buti ng puso mo
Ang tipid mo sa tawa, ang gastos sa kunot noo
Ngunit ang tamis makita ng ngiting pilit mong tinatago
Hinihintay bawat umaga, dala ang dobleng almusal
Minsan naiimik, minsan deretso bisikleta
Madalas ‘di mo ko pinapansin, galit ka ba pag tutoring
Ngunit sa aking pag-iyak, ikaw lang din ang tatabi

Lulubog, lilitaw sa paglipas ng bawat araw anjan ka pa rin
Hinihintay mo bang dumilim
Ngunit tila dala mo ang araw at ang mga bituin
Ilang palapag ang layo ng ating bahay pati na rin ang ating pagiisip
‘Di ko maintindihan kung nagiisip ka ba ng sinabi mong may gusto ka sa akin
Ilang taon ko na yan napapansin

Ikaw ang liwanag na umaabot sakin tuwing nagdidilim
Pumasok ka sa buhay ko ng walang paumanhin
Hangga’t hinahanap hanap ko na ang iyong mga ngiti
‘Di makatanggi sa lahat ng iyong hiling
‘Di mo alam tagos sa puso ko ang iyong bawat hikbi
Gusto kitang tulungan pagtripan at minsan yakapin
Inukit mo na ang iyong pangalan saking pangarap at sa bawat hakbang ang iyong kamay na ang kahawak

Kung nakikita mo ang nakikita ko ‘di ka magtatanong kung bakit ‘di sumuko
Kung nakikita mo ang nakikita ko ‘di ka magtatanong kung bat ikaw ang pinili ko

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments