Jerrold Angeles ft. Jem Cueto - Kahapon Lyrics | a1lyrics

Paggising sa umaga ay naaalala ka
Tila mga nangyari ay para lamang kanina
Balak ko naman talaga’y limutin ka
Sadyang kahapon natin sa aki’y mahalaga

Sinong ‘di iibig sa katulad mo?
Ikaw ang bossing na palaging merong plano
Mag-isip ay parang isang antigo
Kung magmahal naman ay napakamoderno

‘Di ba pwedeng ibalik ang kahapon
Magkasama ng buong maghapon
Sana ay nandito ka pa sa’king tabi
Pinagmamasdan ang mapula mong mga labi

Sino ba namang makakalimot sa pag-ibig mo
Tipong kakagising ko pa lang buo agad ang araw ko
O kay sarap namang balik-balikan tamis ng bawat sandali’t halik ng nakaraan
Ang kaso lang hanggang baliktanaw na lamang ba
Hiling na bumalik yoko kasing masayang ka
Hapon na magkasamang masaya
Nakatingin ka lang sa ulap ako naman sa mga mata
Mo binibini ikaw pa rin pinipiling
Pag-aalayan ng tinatangi kong pag-ibig
Kada titig sa mata ay parang naparalisa
Para bang kaluluwa’y naglalapit pinag-isa
Sa panaginip ko na lamang ba iguguhit
Ang imahe ng kahapon sapagkat hindi na sulit
Oo sayang talaga nagtapos na ang lahat
Nagsimula ka na ng istoryang may iba ng pamagat ah

‘Di ba pwedeng ibalik ang kahapon
Magkasama ng buong maghapon
Sana ay nandito ka pa sa’king tabi
Pinagmamasdan ang mapula mong mga labi

‘Di ba pwedeng ibalik ang kahapon
Magkasama sa bawat mga hamon
Sana ay mayro’n pang pagkakataon
Hinaharap ay sisimulan natin ngayon

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments