Smugglaz - Huramentado Lyrics | a1lyrics

Heto heto heto heto
Heto na ako tabi!
Damay damay na to pre
Ikaw sila kayo kami
Ke ganyan o ganon numang sabihin nyo ngayon
Ipagdasal nyong magkaroon kasi wala akong paki
Parang presong siga na sa mental nakapuga
Walang duda pag nanggigil sa mikropono
Sakaling mahinaan man kayo sakin sa una
Volume muna ng speaker ang itodo nyo
Baka mali ka lang ng pihit o ng timpla
Gumilid ka na kapag uminit yung makina
Sumingit man yung iba o pilit na magbida
Pagbibigyan hanggang di na humirit pa ng isa
Dalawa tatlo takbo walang bakas ng babala
Taas hanggang baba lahat tabas sa pagtaga
Ngayon saking pagkatao’y sa wakas nakawala
Na ang tunay na ako at nakalabas na sa banga
Ito’y!!!

Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado

Bi bi bi bilang class S na halimaw na nanggaling pa sa amin
Sa dami ng hinain na itinae na’t kinain
Taglay pa din ang gutom na sa akin ay sinalin
Na para bang si Eugine na may sapi ni Raizen
Kaya palag kahit san dako mo dalhin to
Pambatong taga-rito na pandayo ang istilo
Malayong marating ko daw ay nilakbay naki-
Pagsabayan ng sabay sa mga bago at antigo
Magbago man ang agos ay hindi nagpatangay
Na parang may gabay galing sa taas na boses
Saking pagdaan luma’t bagong paarala’y
Makahati sa gitna na parang dadaan si Moises
O tangkeng armado ng de sabog na baril
Sakay ako may sinding nakabalot sa papel
Bulong ng diablo at anghel sakin naghalo na aber
Mga humarang tiyak giba parang minaso na pader
Tabi!!!

Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)

Ika nga ng manghuhulang bumalasa ng baraha
Umasa man na sana may pag-asa pa wala na
Pagsabog ng tinimpla kong lakas ng mga bara
Na kapag kinontra parang dumapa ka sa granada
Ideyang sangkatutak sa siniksik ko sa utak
Ay parang mga perlas na sinisid ko sa burak
Normal na ako’y higit na sa pangkaraniwan
Na parang nakarugbyhan ko si Biggie at si Tupac
Di man kilala sa pagiging pinaka
Sa sarili’y nanaig ang pagiging iba nya
Sanhi ng lalim ng pagkakahimbing tila ba
Panaginip niya’y hanggang sa paggising dinala
Steady lang sa gedling maghintay maipakita
Sa mga mic ang mga rima na sinanay nya kanina
Lumagpas man sa oras sa lakbay ng mga linya
Di susuko kahit magtaas kamay pa si Anygma
Time!!!

Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments