Jhanelle ft. Curse One - Layo Lyrics | a1lyrics

Ilang gabi na rin pala
Akong nag-iisa
Pinipilit ang sarili
Na tumahan na
Minsan napaisip kung
Mahal mo ba’ng talaga
Dumarating sa punto na
Nakakatulog na lang ng lumuluha
Imbes na pag-usapan ay lumalayo
Lumalayo ka

Di mo ba naisip kung
Ano ang aking madarama
Sa tuwing magtatalo’y lumalayo ka
Iiwanan na lamang mag-isa

Kahit pa pilitin kong
Mapalapit muli sayo
Bakit tila tinutulak mo
Naman ako palayo
Umabot na sa punto na
Hinahayaan na lang ng nagdurusa
Kasama ka subalit ang iyong puso’y
Lumalayo na, lumalayo na

Di mo ba naisip kung
Ano ang aking madarama
Sa tuwing magtatalo’y lumalayo ka
Iiwanan na lamang mag-isa

Nag-iisa
Nag-iisa

Bawat umaga di ka katabi
Gigising ng walang kana at ngiti
Bawat sandal ay nasa isip kita
Ngunit ang aking pag-ibig naiisip mo ba
Isang araw na naman ang lumipas
Alam ko naman ganon pa rin bukas
Ngunit wag ka ng mag-alala
Dahil unti unti ng nasasanay ang puso ko na nag-iisa
Nawala sa piling mo sa pagtulog mag-isa sa paggising ko
Sa damdaming matagal nahimbing binigyan mo ako ng wala ng dahilan para ikaw ay pilitin ko
Pagsuyo ay sayo lang di mo pinapahalagahan
Pagmamahal sayo ay pangibabawin ko lang
Namumugtong mga mata sa lamig ng pinadama mo
Mundo’y gulong gulo sa lubos na pag-unawa ko sayo
Tanging gusto ko lang ay makasama ka
Habang buhay na mahagkan ka mapanatag na
Pag-ibig na walang hanggan

Di mo ba naisip kung
Ano ang aking madarama
Sa tuwing magtatalo’y lumalayo ka
Iiwanan na lamang mag-isa

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments