JaMill - Tayo Hanggang Dulo Lyrics | a1lyrics

Magkaibang mundo pinagtagpo
Tinadhana kahit na magkalayo
Tayo ng pinagmulan,
Pinaglapit ng pagmamahalan
At nagkaibigan

Akala ko ay simple lang lahat
Basta gusto kita, gusto mo rin ako
Magkasama tayo, masaya na ang buhay
Ngunit maraming dadaanan pang pagsubok

Mahal kita, mahal mo ako
Habambuhay na ito, Dasal ko sa Kanya
Ikaw ang blessing ko sa buhay kong ito
Sabay tayo
Ngingiti sa umagang magkasama
Tayo hanggang dulo

Nung simula maraming nag duda
Sabi nila imposible ‘di mo kaya
Agwat natin magkalayo
Mag kabilang mundo
Ang layo natin daang kilometro

‘Di alintana mga balakid saakin dadaanan
Mayakap ka lang, makasama ka lang,
Masulit saking kapalaran

Tinawid ko ang traffic, ang usok sinalubong,
Kahit sa jeep pa sumabit, hindi ako uurong

Lahat ng pagod ko'y nawawala
Kapag kasama na kita (kasama na kita)
Ibang ligaya ang nadarama (nadarama)

Salamat sa Diyos, dahil ikaw ay pinagkaloob niya sa akin
Ang simpleng babae na tulad mo'y napakahirap hanapin

Pangakong aalagaan ka, ‘di hahayaan na mag isa
Patutunayan na mahal kita, ‘di kana mag iisa

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
Sa mata mo nakikita ang ganda ng kinabukasan

Ikaw ang buhay ko, bumuo ng mundo ko
Pag sisigawan ko na

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments