Feel Day - Pila Lyrics | a1lyrics

Nasa pila na naman
Kanina pa nandito
Maghapon nang nag-aabang
Ng pagkakataon

Eh bakit ba nagtitiyaga pang
Maghintay nang walang hanggan
At bakit pinagpipilitan ko pa rin
Na magbaka-sakali lang

Ang taong nasa harapan
Maganda ang kanyang gupit
At ang nasa likod naman
Ay sadyang pangit

Eh sorry kung sinasabaw na
Itong laman ng ulo ko
O, pagbigyan mo na kasi kanina pa
Ako naghihintay dito

Para lang sa 'yo
Kanina pa 'ko nandito
Nag-aabang na mamalayan mo
Kanina pa 'ko nandito
Naghihintay sa 'yo

Sumasakit na ang aking tiyan
Hindi pa kumakain
Pwede ko bang malaman man lang
Kung aabot pa sa akin

Eh sorry kung nasusungitan ka
Hindi ako ganyan kanina
Eh kasi nauubos na ang aking pasensya
At para bang ayoko nang

Maghintay sa 'yo
Kanina pa 'ko nandito
Nag-aabang na mamalayan mo
Kanina pa 'ko nandito
Naghihintay lang sa 'yo

At habang-buhay ko na lang ba
Maghihintay ako sa 'yo
'Pagkat hindi umiikli ang pilang humahati
Sa 'ting mundo hanggang ngayon

Kanina pa 'ko nandito
Kanina pa, kanina pa ako
Kanina pa 'ko nandito
Nagmamahal sa 'yo

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments