Crakky ft. Soulstice - Wag Muna Lyrics | a1lyrics

'Di ko malaman kung bakit lagi kang nasa 'king panaginip
Dumadagdag ka pa ang dami ko nang iniisip
Gaya ng pa'no na lang kung wala talagang pag-asa
Pa'no na lang kung 'di mo ko trip at pa'no na lang kung hindi ako yung gusto mong kasama
Nakakalito, sabi kasi ng puso ko, sige lang 'wag ko nang
Palalampasin, ang pagkakataon baka biglang meron pang
Sumingit na iba, o baka bigla ka dyan meron magustuhan
Kaso kasi pa'no kung doon na magwakas ang ating samahan
Baka naman 'di na kita maihatid nyan pauwi sa inyong bahay
'Di ka na rin magcha-chat sa oras na gusto mong tumagay
Baka bigla ka na lang na maglaho tuluyan ka nang mawala
Dahilan kung bakit sa 'ting samahan ayoko lang magpabaya't itaya kaya

'Wag na lang kaya muna
Kaso nga lang baka merong makauna
Sa 'yong pag-ibig na gusto ko na makuha
Natatakot lang kasi akong lumuha
Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede, kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo

Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede, kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo
Nagdadalawang-isip kung pa'no ba
Magkakaroon ng puwang 'yung puso papunta sa kanya (sa kanya)
Matagal na 'kong merong motibo
Sa tingin ko 'di na biro kahit baliktarin man 'yung mundo sa kanya pa rin 'yung balik ko ('yung balik ko)
Natatakot na pilitin
Ang sarili at isipin (at isipin)
Mawala na lang ang lahat
'Pag nasimulan nang sabihin
Kaya siguro nga ay 'wag na lang muna
Ayoko namang mailang ka na lang 'pag tayo'y magkasama
Siguro'y 'di pa oras
Mabuksan ang 'yong pintuan
Tapos ako naman 'tong hindi makatok nakahinto lang
Kung kaya ko lang talaga na masabi sa 'yo ang iyong halaga
Siguro ay 'di na uurong ang dila sa tuwing nakikita kita kaso lang, kaso lang

'Wag na lang kaya muna
Kaso nga lang baka merong makauna
Sa 'yong pag-ibig na gusto ko na makuha
Natatakot lang kasi akong lumuha
Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede, kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo

Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede, kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo
Napapadalas na 'yung minsang makasama ka (yeah)
Bukod sa mga panalangin ko na mapasa'kin ka (yeah)
Madalas man na mag-antay ng mga tawag mo at reply
Lagi lamang ako nandito 'pag ika'y nalulumbay
Kahit 'di pa ngayon
Basta mahal kita 'yun ang mahalaga, handang ligawan ang iyong ama't ina
Kaso lang mukhang 'di pa ito ang tamang oras
Magbabakasali na lang na baka pwede bukas
At kung iisipin, ayoko lang masayang pag-ibig dahil
Kapagka pinilit pa natin
Ayoko naman na matapos agad tayo kaya

'Wag na lang kaya muna
Kaso nga lang baka merong makauna
Sa 'yong pag-ibig na gusto ko na makuha
Natatakot lang kasi akong lumuha
Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede, kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo

Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede, kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo
I get drunk 'cuz I have prob
(Na na na)
You can't believe it girl, 'cuz 'di ko masabi
(Oh oh oh oh)
Naghanap lang ako ng lakas loob
Kaso iba aking kutob
'Pag umamin wala sa timing
Mag-iba pa ang tunog
Yeah yeah
I'm so sorry girl, I know you're mad
I cannot do anything but I miss you so bad
Yeah yeah
Wohh oh wohh oh
Maghihintay na lang ako
Sa iyo, para hindi na 'ko mahirapan
At least 'pag na-in love ka na lang panandalian
Na lang ang panliligaw para lahat malinaw (yeah)

'Wag na lang kaya muna
Kaso nga lang baka merong makauna (makauna)
Sa 'yong pag-ibig na gusto ko na makuha
Natatakot lang kasi akong lumuha
Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo (mag-aantay na lamang sa 'yo )

Kaya 'wag muna ngayon
Kung 'di pa pwede kung hindi pa pwede
Mag-aantay na lamang sa 'yo
(Mag-aantay na lang sa 'yo)

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments