Arvy T ft. Gloc 9 - Sabi Nila Lyrics | a1lyrics

1st Verse:

Mga payo mo ang nag silbing salamin
para maaninag ko ang dapat tanawin
umulan man ng pag subok kahit bahain
handang lumusong kahit san dalhin

pag nabibingi sa panlalait tunog mo ang agimat
pinaliwanag mo sakin na kaya kong masipat
ang ilaw, ng tagumpay ikaw ang kaakibat
pag binabraso nila ikaw ang bumabalikat

pinaramdam mo sakin na nandyan ka lang
kahit may humahadlang sige lang sa pag hakbang

kahit tag ulan at ang daanan ay maputik,
walang kapaguran pag may pangarap kang masungkit
sumimangot man ang araw kailangan kong ma sulit
dapat ko lang ngitian ang panahong masungit

CHORUS:

Napaka labo na ng buhay ko
nakakalito bakit ang gulo
parang ang layo
ng dapat tahakin ko pano ba ito tulungan nyo ako

2 Verse:

Mga payo mo ang nag silbing salamin
para maaninag ko ang dapat tanawin
umulan man ng pag subok kahit bahain
handang lumusong kahit san dalhin

Maging matatag, sige lang mag lakad hanggang sa pupuntahan
sabi ng mag tataho wag kang
mabigatan sa iyong pasan

sige lang isigaw mo wag ka mahiya
kung meron namang laman
kahit kinakabahan, kahit walang makinig
lalo mong lakasan

bukod sa bumilib ako po ay nakinig
ng maigi sa payo ng mga dating nag dilig
sa lupa ng industriya na aking minamahal
nung ito'y nakilala ako'y nakaramdam ng kilig

dati hindi ko alam kung san ba ko pupunta
sinabayan pa ng problemang dahilan ng pag tumba
laking tulong sakin ng musika kahit san dalhin
nung wala pa sya sa buhay ko ito ang aking daing

CHORUS:

Napaka labo na ng buhay ko
nakakalito bakit ang gulo
parang ang layo
ng dapat tahakin ko pano ba ito tulungan nyo ako

Refrain:

Pinaramdam mo sakin na nandyan ka lang
kahit may humahadlang sige lang sa pag hakbang

kahit tag ulan at ang daanan ay maputik,
walang kapaguran pag may pangarap kang masungkit
sumimangot man ang araw kailangan kong masulit
dapat ko lang ngitian ang panahong masungit

Bridge:

Lagi kong dinadala
ang sinasabi nila
tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko pa ba
mabigat parang bato ang nasa balikat ko
bibigay na nga tutuhod bibitawan ko na to

CHORUS:

Napaka labo na ng buhay ko
nakakalito bakit ang gulo
parang ang layo
ng dapat tahakin ko
pano ba ito tulungan nyo ako

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments