Willie Revillame, Lil Vinceyy - Ikaw Na Nga Lyrics | a1lyrics

Naaalala ko yung araw na tayo pa
Magkasama tayo kahit san man magpunta
Iniingatan natin ang isa’t isa
‘Di matanggi ang saya sa mga mata
Kakaiba ang pakiramdam ‘pag nandyan ka na
Tipong lahat ng lungkot ay napapawi na
‘Di ba lahat noon kay saya, kay ganda
Kaso nga ngayon naiwan mo akong nag-iisa
Hanggang kailan ba ako magiging ganito
Umaasa pa rin na babalik ka sa piling ko
Hanggang kailan ba ako magiging ganito
Sadyang masasayang alaala na lang pinanghawakan ko
Hanggang kailan ba ako magiging ganito
Handa ko kasing gawin lahat para lang sa’yo
Hanggang kailan ba ako magiging ganito
Ikaw pa rin naman kasi sinisigaw ng puso kong ito

Ikaw na nga ang hinahanap ng puso
Ang s’yang magbibigay ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko
Ikaw na nga ang bawat panaginip ko
Sa piling mo’y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko
Ikaw na nga ito

Masakit sa akin na nalaman ko
May iba na palang nagpapasaya sa’yo
Kaya pala nalimot mo ang katulad ko
‘Di mo na nagawang balikan katulad ko
Ano ba’ng meron s’ya na wala ako
Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko
Mga pangarap natin dali mong kinalimutan
Pangako mo sa’kin na hindi mo ko iiwanan
Sa isang saglit lahat ng ‘yan tinalikuran
Wala din palang bisa ang ating mga sumpaan
Pero mahal lagi, mong tatandaan
Anuman mangyari ikaw pa rin babantayan
Masakit sa akin ang pangyayari na ‘to
‘Di ko inaasahan na magiging ganito
Masakit sa akin ang pangyayari na ‘to
‘Di ko akalain na lolokohin mo ako
Masakit sa akin ang pangyayari na ‘to
Akala ko tayo na pero iniwan mo ako
Masakit sa akin ang pangyayari na ‘to
Pero sa kabila nito ikaw pa rin ang nasa puso ko

Ikaw na nga ang hinahanap ng puso
Ang s’yang magbibigay ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko… woh… wohh…
Ikaw na nga ang bawat panaginip ko
Sa piling mo’y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko
Ikaw na nga ito

Masaya ako na masaya ka na
Kahit masakit sa akin nasa piling ka na ng iba
Alam mo ba ipagdarasal pa rin kita
Kahit ano man ang mangyari ikaw lang ay nag-iisa
Kahit parang araw at buwan
‘Di na kita muling pwedeng matagpuan
Kahit saan salisi na ating daan
Hanggang alaala na lang mga panahon na nagdaan
Tatanggapin ko na lang katotohanan
Na ang pag-ibig natin ay hanggang dito na lamang
Dahil hanggang masasayang alaala na lamang
Ang aking pag-iingatan at aking panghahawakan, mahal
Mag-iingat ka palagi kahit nasaan ka man
Hanggang alaala na lang pwede nating balikan
Mag-iingat ka palagi kahit nasaan ka man
Ikaw naging inspirasyon para lahat ay makamtan
Mag-iingat ka palagi kahit nasaan ka man
Pinagtagpo lang tayo pero ‘di naman pinagtagal
Mag-iingat ka palagi kahit nasaan ka man
Nag-iisa ka sa puso ko lagi mong tatandaan

Ikaw na nga ang hinahanap ng puso (‘Di ko matiis kapag wala ka sa tabi)
Ang s’yang magbibigay ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko… woh… wohh… (Inaasahan ko na sana makapiling ka muli)
(‘Di ko matiis kapag wala ka sa tabi, iniisip kita sa aking bawat sandali)
Ikaw na nga ang bawat panaginip ko (‘Di ko matiis kapag wala ka sa tabi)
Sa piling mo’y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko (Inaasahan ko na sana makapiling ka muli)
(‘Di ko matiis kapag wala ka sa tabi, iniisip kita sa aking bawat sandali)
Ikaw na nga ito woh… woh…
Ikaw na nga ito…

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments