KJah x Yeng Constantino x Raymund Marasigan - Diskaril Lyrics | a1lyrics

Jusko po! Heto na naman muling magmamahal
Huling beses ginawa ‘to muntik magpatiwakal
Pwede bang pigilan? Puso makisama ka naman
May benda pa ang pinsala ng nagdaang kahibangan
Ako’y sawa na sa pangako pagalit na tanga ko
Pagbibingi-bingihan sa kabi-kabilang payo
Ay nagdulot ng delubyo ‘kala ko kaligayahan ‘to
Ngiti isang minuto lungkot ay dalawang siglo
Bakit ba? Kahit na ang dinanas ay malala
‘Pag may dumating mas pinipili pa ring maniwala
Parang may paligsahan ang saya at kabiguan
Sa kasamaang palad luha ang palaging lamang
Bagong tsansa nga ba? O nagmamadali?
Malakas ang kutob hindi ka pwedeng magkamali
‘Yan din ang sinabi mo noon at walang nakapapel
Tapos ‘di mo namalayan bigla kang nadiskaril

Nang sinubukan mo’y aminado kang marupok
‘Di pa alintanang pwede ka palang madiskaril
Ito ang klase ng larong hindi maaarok
Kahit anong ingat walang takas pag nadiskaril
Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok
Binabagabag na baka ako’y muling madiskaril
Sinantabi ang pangamba sa ngalan ng kahel
Umaasa sa piling mo’y hindi madiskaril
Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado
Nakalimutan kong dati akong nadiskaril
Binuhos ang buong tiwala wagas na pag-ibig na
Kamatayan lamang ang kayang makadiskaril
Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana’y surpresa
Ang katinuan ko ay agad nadiskaril
Binalikan ka dala ang mamahaling baril
Ubos bala sa katawan mong madidiskaril

Bakit meron bang ganyan?
‘Di ko maintindihan
Kahit na anong gawin
Kahit sa huli, binigay mo lahat
‘Di napuno, ‘di sumapat

Nang sinubukan mo’y aminado kang marupok
‘Di pa alintanang pwede ka palang madiskaril
Ito ang klase ng larong hindi maaarok
Kahit anong ingat walang takas pag nadiskaril
Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok
Binabagabag na baka ako’y muling madiskaril
Sinantabi ang pangamba sa ngalan ng kahel
Umaasa sa piling mo’y hindi madiskaril

Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado
Nakalimutan kong dati akong nadiskaril
Binuhos ang buong tiwala wagas na pag-ibig na
Kamatayan lamang ang kayang makadiskaril
Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana’y surpresa
Ang katinuan ko ay agad nadiskaril
Binalikan ka dala ang mamahaling baril
Ubos bala sa katawan mong madidiskaril

Diskaril

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments