BennyBunnyBand - Adobong Tuyo (Bagnet Special) Lyrics | a1lyrics

Parang kahapon lamang
Ng una kitang nasilayan
Pareho tayong nagsisitabaan
Marami nang nagbago
Dumoble nga lalo kang lumolobo
Wala nang mas lalaki pa
Sa’yo dito sa puso ko

Ang titigan ka’y hindi nakakaumay
Nagniningning ang mata, tumutulo ang laway

Para kang aking adobo
Matamis, maanghang paglamig nagsesebo
Bigatin ka mang babae
Bubuhatin kita nang wala akong sinasabi

Ah ah ah ah ah ah ah ah

Parang dinidilaan
Teka lang hindi ako pulutan
Pero ikaw nama’y pagbibigyan
Sa’n mo gustong kumain? D’yan! D’yan! D’yan!
Naiiba na yata ang usapan
Harana ‘to hindi naman piyestahan
Pero seryoso magpakailan pa man
Hinding hindi, hindi kita iiwanan

Most likely pa ngang magkaroon ng diabetes
Kasi ‘pag kasama kita
Oh sweat, (Ang Tamis!)
Oh sweat, (Ang Tamis!)

Para kang aking adobo
Matamis, maanghang paglamig nagsesebo
Hainan man ng ibang potahet
Ikaw lang sa lahat ang hindi ko itata-eeeeehiyeah yeah!!!

Aaahuh

Walang hangad na ikaw na asarin
Wala na rin nais baguhin
Hindi magsasawang ika’y mahalin
Ang always, always bubusugin

Para kang aking adobo
Matamis, maanghang paglamig nagsesebo
Mag-extra rice ka ng marami
Bibigyan ka ng tubig paglunok ay swabeng swabe

Para kang aking adobo
Matamis, maanghang paglamig nagsesebo
Kasing laki ng elepante
Ang pag-ibig na iaalay sa’yo palagi-lagi

(Kasing laki ng elepante)
Ang pag-ibig na iaalay sa’yo palagi-lagi
(Kasing laki ng elepante)
Aaahuh

Officially posted on: A1lyrics

Post a Comment

0 Comments